tiktilaok
Friday, January 30, 2009
random title. random post. random writer. random blog. random laptop. random optical mouse. random paper. random pencil case. random tissue. random tinapay. (uy astig, bagay na "name"! randomtinapay! nyahahaha) random*insertwordhere*

para akong kabute. pasulpot sulpot na lang dito sa blog na to. naaawa na nga ako e, walang nag uupdate sa kanya wenks. teka, kabute nga ba yun? *sabay kamot ng ulo*

actually, ang totoong dahilan ng hindi ko na gaanong pagpansin dito sa minamahal kong blog e, uhh.. teka ililista ko ulit! mas madali ang buhay pag nililista. huh?

1. Si Machogwapito.
hoyhoyhoy, wag nyong iismolin yan, magaling yang MG ko! hahaha grabe kaadikan ko naman kasi sa pet society sa facebook. at, at at! magaling nga yan! hahahaha grabe labs na labs ko yang MG ko e. cause he's great, like me. :)) nyahahahahahaha

2. Mga Taiwan/Korean/Japanese Drama sa internet, isama mo na rin yung mga YouTube gods. :))smosh! :))
mas madali kasing mag isip kapag yun ang ginagawa kesa magblog. nye! :)) at ang gagwapo pa nung mga bida whoa ehm gee! :))

3. Grades
medyo, take note, MEDYO gc lang ako. nyahahaha wala pa ako ganung kalaking improvement e. lolz la lang. andami kong alibi omg

4. Mga current affairs
alam mo ba yung issue ng blogs sa QC Science? ako oo alam ko malamang mga kaibigan ko rin yung mga nandun. nyahahahah la lang para masabi lang na may kilala akong sikat. actually, di ko alam kung sikat nga ba talaga sila. wahahaha wala kaming gma/tfc e.. basta nababasa ko pa rin yung mga blogs nung isa sa kanila tapos basta! grabe sayang wala na ako dun, edi sana.. uhh.. basta di ko alam nyek ano na tong sinasabi ko O.O

yun lang. hehehe para lang masabi na nakapag update ako. nye!

Labels: , , , , , ,

8:48 AM



5, 4, 3, 2, 1.. happy new year..?
Thursday, January 1, 2009
langya.

huhulaan ko kung pano kay nagcelebrate. mausok ang paligid, maingay ang lahat, tapos nung nag countdown na, sobrang saya, as in patalon talon ka pa, tapos ayun! happy new year! tapos andaming handa, may litson pa yata kayo.. tapos may wine pa! tapos andaming paputok tsaka fireworks, kitang kita mo yung fireworks dun sa mall malapit sa inyo.. lupet! ansaya saya. sabay hihipan mo yung torotot mo o kaya aapakan mo na ulit yung watusi mo tapos yehey! 2009 na! yahoo!

kung ansaya saya mo nung mga huling sandali ng 2008, ako hinde.

dito kasi sa saudi, muslim country sya.. tapos parang ayaw nila i-entertain yung mga western ideas (christmas, new year, valentines..) galit pa sila pag christmas new year.. the eff! wahaha kaya walang nagsasaya pag new year. mga expats lang.

tapos yun, sa villa lang kami nagcelebrate.. yung new year's eve inaayos ko lang tong blog na to wahahaha ansaya saya. may handa din, pero di ako kumain. wala ako sa mood nun hehe ang media noche ko: 7up, mirinda, potato chips, tsaka donut. ohaa. :)) tapos yung ibang tao nagkakaraoke. ang ganda ng music. :)) srsly.

tapos nung countdown na, wala pa nga ang lahat sa mood mag countdown e. wahahaha nung nagca-countdown na, naglalaro lang ako ng zuma. wahaha wala akong paki sa countdown nila..

10!
9!
8!
7!

ako: hmm.. red.. boom! green.. ayan ayan mananalo na ako dito sa zuma..

3!
2!
1!

HAPPY NEW YEAR!

ako: ... yes! ayun! na-level complete ko din sa wakas! *tingin sa mga tao sa paligid* yehey. happy new year na nga.

BWAHAHAHA. oo seryoso ako, ganun ako kagabi. wahahaha ansaya. first new year ko na di ako excited na magcountdown. yahoo. :)) happy new year peeps.

Labels: , , , , ,

11:49 AM



magbagong buhay na ako :D
Wednesday, December 31, 2008
*coughblagboomcoughtumblinghalaanotongtinatypekoulitcoughcoughcpugh*

HINDE, SERYOSO.

wahahaha, ika nga nila e, "bagong taon ay magbagong buhay". yihee! motto of the day wahahaha langya.

at dahil bagong taon na, aka 2009, ililista ko ang aking mga new year's resolutions! yeehaa!

MAGBABAGO NA AKO.

1. ngayong 2009 e magiging superdupermegahypertothehighestlevel GC (grade concious) na ako. OO. TAMA ANG DINIG MO. may ganun din sa bokabularyo ko, ang pagiging gc. woot! lawl. kasi nakakatamad na ang buhay walang pyutur. kailangan ko nang magbago! YAHOO! tsaka diba nasa bagong school ako, tapos galing pa ng science high school, kaya kung di ko gagalingan parang.. you know.. you get the idea. lawl. wahahahaha :| STEREOTYPES SUCK LIKE VAMPIRES DO. bwahahaha eto lumalabas nanaman pagiging team jacob black ko. wahoo!

speaking of vampires and team jacob black (ftw na ito!), parang nagsawa na ako sa twilight. oo. naloloka ako, parang everytime kasi na mag-ol ako, kahit saang website man ako pumunta (multiply, friendster, facebook..) laging may bakas ng twilight. whooh, pwede ba. wala lang, nagiging overrated na rin yung twilight e. naaalala ko tuloy yung callalily. sigh. great pre-mainstream band. tsk. LOLZ. whatevs!

2. ngayong 2009 e aayusin ko na tong blog na to tamad ako, i know. wahaha hindi na ako matutulog ng past 12 am scratch. hindi na ako mangkukutya ng kapwa ko teka di naman ako nangungutya ng kapwa, diba? ililimit ko na yung pag iinternet sa 2 hours a day nalang NOO DI KO KAYA YAN! tatapusin ko na lahat ng inumpisahan ko wala na akong iba pang babaguhin sa sarili ko. wahahahaha ansaya naman. kasi ang kailangan ko na lang baguhin e yung sudy habits ko e. SERYOSO AKO! wahahahaha ok na sakin yung ibang bad habits ko, ayaw ko silang pakawalan. WAHAHAHAHA ansaya saya no?

happy 2009 everyone! :D

Labels: , , , , , , ,

11:14 AM



thanks, 08!
Monday, December 29, 2008
whooh. ngayong 2008 mega daming happenings talaga sa buhay ko. at dahil di ko alam kung ano na sasabihin ko, ililista ko sila. woop!

JANUARY
di ko alam kung ano nangyari nung january. hehehehe.

FEBRUARY
masyado nang matagal, wala na rin akong maalala nung february. wahehehe.

MARCH
sa mga huling week ng second year.. walang nangyari. hehe. di na ako pumasok ng kisay. wahahahaha kasi.. ahh! natatandaan ko na! kasi nakabitan na kami ng dsl! wahahahaha di na ako pumasok ng mga last week na kasi "wala namang ginagawa, clearance lang". wahahahaha tapos nagkaroon pa ng recognition TAPOS KASAMA PA PALA AKO DUN. wahahahaha the powers of the internet nga naman o. di na ako lumabas ng bahay. tapos yun, hanggang ngayon na nasa ibang bansa na ako e di ko na nakuha yung certificate ko na nanalo ako sa photojourn nun. wahahahahaha tsaka nadiscover ko ang powers ng youtube! at smoshkevjumbanigahigahappyslip! hahaha tsaka na lang nung nadiscover ko si fred e. hehe (halata talagang wala akong ginagawa sa buhay ko)

APRIL
youth camp at youth.. youth.. next month pa pala yung youth conference nyahaha. ayun, mega bonding lang with the bbgirls tsaka mga iba pang taga qc stake. wahahahaha tapos di na naalis sa utak ko yung kantang Low ni flo rida. whoooh. eternal lss, mehn.

MAY
one word: JAWK! whoooh! wahahahahah itong month na to nag full 100% ang online life ko. una, dahil sa youth conference (sa church, na magsasama sama yung mga youth, tapos basta. kasama namin caloocan. waha.) andami kong friendster friends (tunog stalker something ba? haha). wahahahaha tapos naranasan ko na maghanap ng friendster account ng taong may pangalang parang ganito: ♥▀▄★♦и1čk0Lэ♦★▀▄♥ whooh grabe nakaka-istress, pagtype (o pagcopy paste omg) pa lang parang nadama ko na kung pano manganak ng quintuplets omg. naka ilang trial and error ako sa paghahanap, pero nahanap ko naman sya pero hindi sa search. sadyang magaling lang talaga ako. yeh! tapos pangalawa, sumali ako sa candy teen blogawards! umaasenso na ako! wahahahaha tapos nakasali pa ako sa finals (at dahil dun naprove ko na physically possible naman na tumalon talon sa buong bahay nyo nang buong magdamag. try mo.) tapos ayun. wahahahaha tuwa.

JUNE
einstein three! nung una medyo malungkot ako kasi nabreak ko yung straight edison record ko sana. awwww. pero, PERO! not anymore ang drama ko. wahahaha di nga, seryoso ako. ansasaya kasama nilang lahat! wahahahaha ayun lang. tapos.. AH! biglang may dumating.. ayihee! wahahahahaha oyy ha baka damahin nanaman nung bata.. wahahaha dyoklang. PEACE TAYO. :))

JULY
first time kong malaman ang art ng pagiging ninja, thanks to my einstein classmates! wahahah at least one time sa buong buhay ko e naranasan kong maging "bad girl". wahahaha at nga pala, naging top 10.5 pa ako! wahahahaha kagalingan nga naman wahehehe tapos kaya naging 10.5 kasi 4 kami na magkaka-average hanggang 3rd decimal place. oo, apat! at third decimal place! at wag ka, magkakatabi pa kami ng upuan! oo! it happens! yeh. :)) wahahahahaha magkakatabi kami ng upuan sa likod. :))

AUGUST
nalaman ko na lilipat na kami ng saudi pero di ko sinasabi kahit kanino. aw. :p :( tsaka mega bonding time kasama yung einstein three! at pagpapractice ng ninja moves. :) wahahaha at pagkuha ng stolen shots forever with the bbgirls. whooh.

SEPTEMBER
a, eto. super roller coaster month. haha. ang plano ko kasi e sasabihin ko na aalis na ako pag mga 2 days before ako umalis. wahahaha ang ganda ganda ng idea ko. ewan ko ba kung bakit yun yung iniisip ko. pero mga 2 weeks before pinaalam ko na rin kasi gusto ko may kasama ako pag may inaasikaso sa registrar hahah. medyo masaya, kasi pahirap na nang pahirap yung stat subject tapos malalayo na ako. tsaka makakasama na namin yung tatay ko. tapos ayun, lungkot. malamang. whooh. it's so hard, like bato kind of hard. whooh. huhuhu. wipe wipe of tissue to the eye sabay sniff, sniff. (YAAKK, ANO TONG TINATYPE KO?!) tapos ayun na nga. harsh life. sniff, sniff. at first time kong humagolgol like crazy sa tapat ng mega daming tao. hahaha seryoso ako. sa church kasi, pinagsalita ako. tapos yung speech ko: "dito sa bago bantay ward, dito ko lang nafeel yung totoong bondi--*HUWAAAA IYAK IYAK IYAK AT HAGULGOL TO THE HIGHEST LEVEL* basta basta masaya kayong lahat kasama blablabla". bow. whooh. kapagod.

OCTOBER
hayy, babay philippines. babay social life. hello riyadh. hello culture shock. at yun nga. sobrang nakakaloka pala talaga dito. whooh. basta ayun. di madescribe ng words. wahaha at for a time ang buong social life ko lang e yung kapatid ko at yung internet. galing diba? yeh.

NOVEMBER
first time kong umiyak dahil sa sobrang depression SA MISMONG BIRTHDAY KO PA, oha. nyaa.. grabe alam ko feeling ng mga ofw na nahohomesick. tapos di ko na alam kung ano pa ikukwento ko. ayun, nga pala, bonding kasama nung bagong section ko, IX-sapphire. oha! einstein3 naging sapphire9! galing, naaccelerate ako ng ilang numbers, whooh panalo. wahahaha

DECEMBER
winter vacation namin ng buong buwan, kaya naranasan ko ang super 100% buhay tambay. tambay lang ako dito sa hotel (nga pala, hotel kami nakatira since october pa nung pagdating namin dito sa riyadh wahahaha ansaya ng buhay. nakaka 4 na hotel na kami, nakakapagod ng energy, kawawa yung maleta ko gulo gulo lahat ng laman wahahaha) tapos nung mismong christmas day hinding hindi ko dama yung pasko ansaya. di pa ako naligo para kumpleto ang pasko ko. wahahahaha yuckers. :)) tapos ayun, nanonood lang ako ng mga korean/japanese/taiwanese drama sa internet. wahahahaha kaloka, magmumukha na akong singkit nyan e. at, AT! nagkaroon ako ng sudden desire na matuto ng mandarin! ohaa! hahahaha marunong na ako ng shi shi ni (thank you!), wo ai ni (i love you!), debuchi (di ako sure, pero sorry meaning nito!), ji nian pin (souvenir!!), tang ah men (window!), ni hao ma (how are you!), wei? (ito sinasabi pag tinawagan ka sa cellphone!), xiao hua (little flower ampotssss!)!!! ohaa! nalaman ko ang lahat ng iyan sa panonood ng taiwanovela sa internet! oha oha oha! :))

wahahahahaha. :)) thanks 2008! napakacrazy like hell ng year na to. :) pag ito nalampasan ni 2009, ewan ko na lang. haha.

Labels: , , , , , , , , , , ,

8:42 AM



signs of the times
Friday, December 12, 2008
bakit hindi na nauppdate ang blog na ito?

bakit hindi na naayos ang layout (merong isang flaw sa background ko haha) ng blog na ito?

napapansin kaya ito ng mga viewers ko?

meron nga kaya akong mga viewers?

teka, pano ako napunta dito e iba naman yung iba-blog ko ngayon?

AT ANG SAGOT AY.. tentenenen!

ang taiwanese drama na bonggang bongga, super chuva na FATED TO LOVE YOU! yahu!

gusto mo din mapanood (o basahin yung synopsis o something)? click here :D

grabe, adik na kung adik. alam nyo ba na sa mga nakaraang mga linggo e puro "fated to love you" ang nasa isip ko? yun na nga lang ata yung dahilan ng paghinga ko e. naks andeep! hahahaha este, yun lang yung dahilan kung bakit ako nag-o-online. hahaha tignan mo naman sila:


friendster bulletin naman to:




oo naging ganyan na ako! lantaran na! ahahahahahahaha at ang swerteng swerteng taiwanese actor na yan ay walang iba kundi si

ETHAN RUAN MY TRUEST LOVE LIKE THE GREATEST LOVE OF ALL! oha! sya may pinakamahabang title! hahahahahaha

o asteeg lang yung picture e! hahaha parang commercial ng centrum.. "i wanna be complete.." yihee! HAHAHAHAHA

ayan. yun lang. hahaha

nga pala, wala kaming pasok ng buong buwan ng disyembre! HALELUYAAA! "winter" vacation daw :) ayaw pang sabihing christmas e ;))

Labels: , , , , ,

3:55 PM



naku, ano na nga kaya ang kaugnayan nung nangyari kay angel?!
Friday, November 21, 2008

:)) random. :))
7:38 PM



paalam, wallet.
Monday, November 17, 2008
huwaaaa kamalasan nga naman ng lahat ng kamalasan sa mundo o. :(

NANAKAWAN/NAWALAN AKO NG WALLET sa school. *insert bad word here* andaming mahahalagang bagay dun, andaming nawala, alam nyo bang kalahati yun ng buhay ko?

1. Pera
actually, hindi ito ganun ka importante. inuna ko lang kasi alam kong ineexpect mo yun. haha. :| kaso, SAVINGS KO TO PARE E. tipong savings ko pang gala at pang liwaliw kapag nakapag bakasyon na kami sa pinas. HUWAAAA.. =(( oy ha, 300+ riyals (sa pagkakaalala ko) din yon.. times thirteen.. MGA 4,000 PESOS DIN YUN! =(( waaaa andami na naming mapupuntahan nina arah at audrey nun.. :(( huwaaaa *bad word*

2. Pictures
oo as in pictures, huling pictures naming magkakasama nina arah audrey, tsaka ilang pictures pa dun namin nung first year pa.. TSAKA YUNG GRADE 4 ID NG KAPATID KOO! waaaa takte makakapatay talaga ako ng magnanakaw.

3. Mga sulat sulat
lalo na yung ever famous na "violation" nung una ko syang na realize. hahahahahaha tapos yung "Nickole _______" na sinulat ko nung nagpapicture kami sa mitsubishi nung huling araw ko na sa kisay, mga notes ng mga bago bantay youth, lalo na yung pagkahaba habang mga notes nina brendon ("bye ingat") at vaughn ("bye!!!!!!!!") nung despedida ko.. TAKTEEEEE KUNIN MO NA LAHAT NUNG RIYALS KO BASTA ISOLI MO YUNG MGA PAPEL PAPEL KUNG SINO KA MANG KUMUHA NUNG WALLET KO tsaka yung mga notes nina arah at audrey. :(( whooh. :(( nakakalungkot.

4. Chits/Chips/Chit/Chip ng QueSci
alam nya ba na yun na lang ang tanging remnant ng quesci na nadala ko dito sa riyadh? *bad word* sya! GRRR.. ARF ARF ARF! oh noes lumalabas pagiging werewolf ko. =))

5. Philippine money.. este coins pala.
ang tanging remnant ng pinas. huhuhuhuhu. :|

6. Yung collection ko sana
.. na mga resibo na imbes na "Nickole" yung nakalagay e "Nicole", yung pag tinatanong nila yung pangalan ko (tulad ng sa taco bell.. dq.. takte walang dairy queen dito). takte dapat gagawa ako ng blogpost tungkol dun e, kaso bago ako makagawa e nawala na silang lahat, ninakaw na ng isang elementong walang pakialam sa pakiramdam ng iba basta may instant pera sya.

--------

at yun na nga. buti na lang ay binigyan ako ng Panginoon ng mga maunawaing mga magulang at cinomfort lang nila ako imbes na pagalitan. WHEW HALELUYA kasi yung isang teacher sa school ko ngayon (mind you, di ko sya teacher, nakiki eavesdrop lang sya nung sinasabi ko sa adviser ko na nawawala wallet ko), SINERMUNAN BA NAMAN AKO, sabi nya "ayan, kasi, hindi nag iingat e. kasalanan mo rin yan". EXCUSE ME MISS KILALA BA KITA? tapang pa manermon e, daig pa mga magulang ko.. PSHYEA! grrr.

Labels: , , , , , , , , ,

7:20 PM



ngayong mga araw na ito, lagi akong nalalagay sa away.
Wednesday, November 5, 2008
at dahil iyon kay jacob black my true love forever. (uhh.. twilight? you know, the vampire and human love story? yung may apple sa cover? ahh.. yun.)

talaga. lagi nalang, sinasabi nila "weh? jacob ka?" o kaya "team edward kaya ako! team edward ka na rin" o kaya ang napakasakit na marinig na "jacob? super hate ko yun!"

HEH! HATE NYO MUKHA NYO! para mapatunayan na hindi naman talaga ganun kapangit na character si jacob black (at hindi ganun ka-gandang character si edward cullen), ililista ko ulit ang mga qualities ni edward cullen na ewan. basta. weird ako. :))

1. Masyadong perfect si Edward Cullen. Edi natalbugan naman ako.
2. Masyadong mayaman si Edward Cullen.
Paano na ang "sa hirap at ginhawa", kung puro ginhawa at ginhawa lang?
3. Masyadong ma-pda si Edward Cullen. Eew yaya. :))
4. Masyadong matanda mag isip si Edward Cullen.
Literally.
5. Nakakatakot powers ni Edward Cullen.
Ano pa ang word na secret?
6. Masyadong maraming magagandang quotes si Edward Cullen.
Mahirap mag take notes.
7. At mas hot si Taylor Lautner kesa kay Robert Rattinson!

okay okay, so sabihin na natin na si taylor lautner nga ang dahilan, pero ganun na nga ako nung sa twilight pa. lahat kasi ng kilala ko na nagbabasa ng twilight super inlove kay edward cullen, pero ako hindi ako ganun natutuwa sa kanya. i mean, gusto ko talaga yung perfect para sa akin, hindi perfect sa paningin ng lahat ng tao. yay pang hallmark yun a. yun lang. :)) basta team jacob ako, new moon pa lang, team jacob na ako. :)) kahit na maraming imperfection at pagkakamali si jacob, mas gusto ko pa rin sya sa super perfect and all na si edward. WOO TEAM JACOB! :)) wala lang. :))

ARCHULETA ALERT! :)) TAKTE BASAHIN NYO TO, NAKUMPLETO ARAW KO DAHIL DITO WHOA-EHM-GEE!! BASAHIN MOO UTANG NA LOOB!

haha. wala lang. sasagutin koy ung coments pag nagka-oras ulit ako. :>

Labels: , , , , ,

9:33 PM



abawt.
whoaaa ehm gee.
ang blog na ito ay ipinanganak noong boring na tanghali ng ika-29 na araw ng mayo noong taong 2007 dahil sa kakulangang ipinakita ng friendster bulletins SABI NA NGA BA E. tsktsktsktsk.. ang nilalalalalaman ng blolololog na i-i-i-i-to: mga walang kwentang words, na kadalasan ay napakakorni, kaya
BEWARE
READ AT YOUR OWN RISK

ang drama ng blog na to nyakk!

the name's nickole btw. :))
tsktsktsk
nickole.
nov3. labing-apat na labinlimang taong gulang. iskorpiyow. edi-edi-ein-saphhire. aww. lds. still scientian. ex-strs-ian. now spis-ian. kunwa-kunwariang photographer. maka-mcdo. rakista. pankista. aktibista. pink 5ive wannabe. bali ang utak. alaskador(a). net addict. nick addict. team jacob forever! posibleng may ADD. sobrang magulong kausap.
friendster | multiply | facebook

salita.


prends!

dahil minsan sadyang nakakatamad ang magsulat ng mahahabang blog post.

muling ibalik ang tamis ng.. pag ibig?


tenks!
Designer ang pinakamagandang babae sa balat ng earth
Host 1 2 3
Thanks 1 2 3
at sa pinakamamahal kong 7up at mirinda citrus flavor na aking kapiling habang ginagawa ko ang layout na ito. hinding hindi ko kayo malilimutan. nga pala, huling layout ko to ng 2008! wahaha